MARAHAN na binuksan ng aking ina ang pinto, hindi na ito pumasok sa halip ay dumungaw na lamang siya saka nagsalita. "Kakain na, baba na kayo." "Yes po, Auntie. Kanina pa ko nagugutom, eh. Auntie, sigurado masarap ang niluto mo ngayon," wika ni Zoo na kakapasok lang ng aking kwarto. Nagmadaling siyang itabi ng kanyang libro at lumapit sa pinto kung nasaan si Mommy "Syempre, malakas kayo sa akin eh," sagot ni Mommy. "Mel, sumunod na kayo ni Julie sa baba," ani pa nito sa amin ni Julie. "Sige po," sagot ko at binalingan si Julie na nag-aayos ng aming librong sinagutan saka tinignan si Mommy upang ngitian. "Tara na, Zoo. Alam kong gutom kana," sambit ni mommy saka lumakad kasama ng aking pinsan. "Tara," aya ko kay Julie. Lumapit siya sa akin saka sumabay na lumabas ng kwarto. Paglabas na