NAHINTO ako sa paglalakad nang makita si Julie di kalayuan. Kausap nito si Dave at halata sa mukha ni Julie na tila nasusuya siyang kausap ang hambog na ito. Agad ko silang nilapitan na hindi nila napansin na akoy'y malapit na sa kanilang pwesto. Tahimik kong pinakinggan ang kanilang usapan na hindi ko naiwasan ang mainis. "Labas na tayo, libre ko naman, eh," wika ni Dave. Napakahambog talaga ng gunggong na 'to. Pati si Julie, papatulan! "Ayoko Dave, Iba na lang ang yayain mo," tanggi ni Julie at siya hinawakan ni Dave sa braso. Tumalim ang pagkakatitig ko kay Dave lalo na sa kamay niyang nasa braso ni Julie. Lalong nadagdagan ang inis ko dahil sa ikinilos nito sa aking kaibigan. "Julie, gastos ko naman. You don't need to worry," saad pa ni Dave na tila humigpit ang hawak sa braso ni