"Bilis! Archer, bilisan mo. Maabutan na nila tayo!" sigaw niya habang bumabaril. Mabilis niyang pinasok ang kamay nang bumaril naman ang mga kalaban. Mabilis kong minaneho ang sasakyan at sinulyapan ang metro ng gasolina. Ilang oras na lang ang pwede nitong matakbo at kung magpapatuloy kami sa ganitong bilis ay baka bigla nalang itong tumirik. I need to think kung paano namin matatakasan ang mga kalaban na 'to. Bang! Gumanti ng pagputok si Mel at kasunod nito ang pagbagsak ng isang kalaban sa gilid ng daan. Pick up car pa rin ang gamit nila at mas marami na ang bilang nila ngayon. Matataas na kalibre ng baril ang hawak nila at siguradong wala silang pakialam kung may matamaan na sibilyan. Bang! Bang! Muli na namang nagpaputok si Mel at kasunod nito ay ang paghulog ng dalawang kalaba