Pagkatapos naming mananghalian ay nagpasya na kami ni Archer na umalis. "Aalis na po kami. Salamat ho sa pagkain," ika ko at inabutan ang babae ng pera. "Ma'am, wag na---" akmang hindi niya kukunin ang pera ay inilapag ko na lang ito sa mesa. "Saan po pala ang daan pabalik ng Manila?" sabat naman ni Archer. "Baybayin niyo lang ang sementadong daan d'yan, pakaliwa," sambit ng babae at tinignan ang nakabukas na bintana kaya natanaw niya aming sasakyan na nasa labas. "Taga maynila ho ba kayo?" Sasagot na sana ako ngunit agad namang sumagot si Archer. "Opo." "Mag-asawa kayo?" tanong ulit ng babae. "Naku, hindi po kami mag--" ika ko. "Opo, mag-asawa po kami," sagot naman ni Archer na pasimpleng bumulong sa akin. "Sakyan mo na lang ang sasabihin ko. Mas okay na maging maingat tayo." "P