Kinuha ko ang bag sa kama at sinukbit iyon sa aking balikat. "Let's go," baling ko sa kanya. Siya naman ang kinuha ang paper bag na may lamang pagkain. Hahakbang na sana ako papuntang pinto nang bigla nalang niyang hinawakan ang bag na nasa balikat ko. "Let me carry this," wika niya. Hinawakan niya ang bag at bahagyang hinatak. "Sige." Inabot ko sa kanya ang bag. Nang nakuha niya ito ay nagulat pa siya. "Ang bigat nito," aniya. "Akin na nga," akma kong kukunin sa kanya ay iniwas niya agad ang bag. "No. Akala ko kasi hindi masyadong mabigat." Napangisi ako. "Maraming baril na nandyan, malamang mabigat 'yan." Kukunin ko sana ang paper bag na nasa isa niyang kamay ay mabilis din niyang iniwas iyon. "Ako na," giit niya. "Bahala ka." Tumalikod ako sa kanya upang lumabas na nang pinto, hi