Ang bilis ng pangyayari, kanina lang ay nagsasalita pa ako ngayon naman ay magkadikit na ang aming labi. Nagkalapat at walang anumang galaw. Parehas kaming hindi gumalaw na halos umabot ng sampung segundo. Ang bilis ng t***k ng puso ko na naging dahilan ng paghinga ko ng malalim. Naramdaman niya siguro ‘yon dahil kumalas na siya sa paghalik. Tinitigan niya ako sa mata at mayamaya ay tinukod ang tungki ng kanyang ilong sa aking ilong pagkatapos ng ilang sandali ay hinagkan naman ang aking noo. Napatingin ako sa kanyang labi at sa kanyang mata. Hindi ko alam kung anong gagawin o anong sasabihin. Parang huminto ang oras ng mga sandaling iyon. Kung panaginip man ito ay ayaw ko nang gumising. Sandali kong pinikit ang aking mata. Habang nakapikit at naramdaman kong lumapat ang kamay niya sa a