NAKAPIKIT pa ako nang bumangon mula sa pagkakahiga. Kinusot ko ang aking mata at pagkatapos ay dumilat. Nilibot ko ang tingin sa paligid, wala si Archer. Tinignan ko ang sahig, bago ako natulog ay nandito pa siya. Pati ang mattress na pinaghigaan niya ay nakaligpit na rin at nakasandal sa pader. “San pumunta ‘yon?” Kinuha ko ang unan at kumot upang isalansan ng maayos. Pagkatapos ay pinuntahan ko ang bintana, wala siya roon. Kumunot ang noo ko at di ko naiwasan ang mainis. Alam kong titignan niya ang paligid nitong resort pero bakit hindi niya ako ginising kanina? Sira ba siya? Langya! Baka iniwan na ako ng gunggong na ‘yon dito. Nanlaki ang mata ko at walang ano-ano ay lumabas ng kwarto. Panay ang lingon ko sa paligid upang makita siya. Pumunta ako ng swimming pool area, nagbaba