INILAPAG ko sa lamesita ang aking bagong lutong pagkain saka umupo sa mahabang sofa at nag-umpisang kumain. Habang ngumunguya ay binuksan ko muli ang laptop at pinagmasdan ang profile ng susunod kong target. Julius Chris Alcantara. Napaisip ako sandali at muling sumubo ng isang kutsarang pagkain. Habang ngumunguya ay masusi kong binasa at paulit-ulit na tinitigan nang litrato ng lalaki. Pakshit! Nagmadali akong tumayo at kinuha ang USB sa aparador ng aking mga damit. Pagkakuha ay isinuksuk ko agad iyon sa laptop at binuksan ang listahan ng aking mga target. Mabuti na lang at nakakuha ako ng kopya ng files na ito galing kay Zoo. Hindi ako mahihirapang tignan at icheck ang mga pangalan ng mga nandito. "Dave Alcantara, number seven. I'm sure, related ka sa taong ito. Tadhana nga naman, i