"MELA!" Isang boses ang pamilyar sa akin na tinanaw ko sa di kalayuan. Palabas ito ng malaking gate habang may dalawang matitipunong lalake ang nasa likuran nito. Nangingiting pinagmasdan ko ang aking lolo at patakbong sinalubong siya ng mahigpit na niyakap. "Lolo! Kamusta?" kaagad kong tanong pagkatapos ko siyang yakapin. Kinuha agad ng dalawang lalake ang mga maletang dala namin ni Kuya at ni Archer. "Okay na okay ako, apo," sagot agad ni Lolo saka ginulo ang aking buhok sa paghaplos. "Tara na muna. Para makakain na kayo," saad ulit niya at kami ay lumakad na papasok sa malaking gate kung nasaan ang kanyang tahanan. "How's your Dad?" muling tanong ni Lolo na nakalingon sa aking kuya. "Busy po sa kompanya. Gusto sana niyang sumama kaso hectic ang schedule niya this week," sagot nama