PILIT kong iniinda ang sakit mula sa mga pakong aking tinatapakan at kasabay din nito ang tagaktak ng pawis na dumadaloy sa aking mukha pababa sa aking leeg at balikat. Dalawang oras na kaming nakatayo dito at habang lumilipas ang kada kinse minutos ay ipinapatong sa aming kamay ang maliit ngunit mabigat na bakal. Unti-unti nang bumabaon sa talampakan ko ang matatalim na pako sa aking paanan. Ilang sandali na lang ay tiyak kong dadaloy na ang dugo sa aking talampakan. Tahimik ang paligid na ang tanging maririnig lamang ay yabag ng lakad ni Uncle Yu ang aming trainer. Lumalalim na ang aking paghinga at ang pawis ko ay tila naging gripo dahil sa patuloy nitong pag-agos. Iginilid ko ang aking mata upang silipin ang aking kuya na nasa kanang bahagi ko. Nakapikit ang kanyang mata. Steady lang