S's M-59

1327 Words

"ARCHER!" wika ko. Napabalikwas ako ng bangon at inihilamos ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Buong akala ko ay bumalik ako sa nakaraan hindi pala. Isa lang pala itong panaginip. "Sa dami kong pwedeng mapanaginipan ay si Archer pa? What the heck? Nasaan na ba siya?" Kinuha ako ang cellphone sa tabi ng aking lamp shade na katabi nitong kama. Pagkatingin ko ng oras ay alas singko na ng ng umaga. May kaunting liwanag mula sa labas ng bintana at nakapasok na ito sa bukana ng kwarto. Nagpasya akong bumangon na lang at magluto ng agahan. Hindi sinasadya ay sumagi sa isip ko si Archer. Nasaan na kaya siya ngayon? Simula nang bumalik kami dito sa pinas ay hindi ko na siya nakita. May misyon kayang ibinigay sa kanya si Lolo o baka naman may inutos ang aking ama sa kanya. Kamusta na kaya siya?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD