"INAASAHAN po namin ang muli nating pagkikita. Maraming Salamat." Tahimik kaming lahat habang pinapakinggan ang announcement sa loob nitong eroplano. Kanina pa ako kinakabahan dahil heto na ang araw na makikita ko ang aking magulang pati ang aking kapatid. Hindi ko rin maitago ang excitement dahil may posibilidad rin na makita ko ang dati kong bodyguard. Ngayong pauwi na ako marami na sigurong nagbago, pakiramdam ko pati ako ay nagbago na rin. Ang dating malungkot at madilim na alaala ko sa namayapa kong kaibigan ay unti-unti ko nang natanggap. Natitiyak kong ito ang gusto ni Julie. Ang makapag simula ulit ako. Paglapag ng aming eroplano ay nag simula nang tumayo ang mga pasahero upang bumaba. Ako naman ay kinuha ang aking maleta at bumaba na rin. Nakangiting pinagmasdan ko ang paligid

