PABABA pa lang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang aking ina na sinasabayan ng pagkanta ang musikang kanyang pinapatugtog. “Lalalala,” aniyang kumakanta. May pa-sway-sway pa siya ng kamay habang kumakanta. Tuwing umaga ganito ang senaryo namin sa kusina. Parang may concert at ang tugtugan ay eighties at nineties music. Natatawang tinignan ko si Mommy na abalang naglalagay ng pagkain sa lunchbox. Sumandal ako sa pinto at hinantay siya na makita ako. Mayamaya lang ay tumingin na siya sa direksyon ko. “Ano pang tinatayo mo dyan? Kain na.” “Mom, I need to go,” wika ko at bumeso sa pisngi niya. Kunot noo naman siyang bumaling sa akin. Hawak niya pa ang lunchbox ko, hindi pa siya tapos maglagay ng vegetable salad. “Mag-breakfast ka muna.” “Sa office na lang ho. Marami kasing pinapatapos