KANINA pa kami na nakatayo dito sa gate kung saan pumapasok ang mga estudyante nang umaga ding 'yon. Palingon-lingon kami sa paligid at naghihintay kay Julie sa kanyang pagpasok. "Mel, papasok na kaya siya?" tanong ni Zooey na halata ang lungkot sa kanyang tinig. "Sana pumasok na siya," sagot ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi dumating si Julie. Lungkot at pag-aalala ang nararamdaman ko para sa aming kaibigan. Balisa din ang mukha ni Zooey at halata ang kanyang pag-aalala. "Puntahan na kaya natin siya sa kanila? Baka nagkasakit siya?" wika ni Zooey. "Sige. Mamaya, pagkatapos ng klase." "Sana okay lang siya. Bakit kaya hindi niya sinasagot ang tawag natin? May nangyare kaya?" tanong ulit ni Zoo saka bumuntong hinga. "Tara na. Baka dumating na si Ma'am," dagdag din niya at kami'y