PAGPASOK ng aming sasakyan sa gate ng eskwelahan ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa isang unknown number. Kunot noo kong binasa ang mensahe nang may kasamang kaunting kaba. Hi, Mela. This is Dave. I know where Julie is. You can see her. Pagkatapos kong mabasa ay kaagad ko din itong nireplayan. Nasaan siya? Anong ginawa mo sa kanya? - sent Kaagad itong tumawag na mabilis kong sinagot. "Nasan----" bigla akong natigilan ng marinig ko ang boses ni Dave na mahina at seryoso. "Julie is okay. She's really okay. Ang totoo niyan nagsabi siya sa akin na tawagan ka. Gusto niyang makita kayong dalawa ni Zooey. Is it okay na ipasundo ko kayo mamaya during lunch time? Make sure na kayong dalawa lang ni Zooey ang nakakaalam." "Ha? Bakit?" Pinilit kong magsalita na hindi kinakabahan ngunit sa tot