Pilit kong inaalis ang kamay ng lalaking nakahawak sa aking braso. Sa tuwing magpupumiglas ako ay siya din nitong higpit ng pagkakahawak sa akin. Ganoon din ang ginawa ng aking pinsan. Pilit naming inaalis ang kanilang mga kamay ngunit wala kaming nagawa. Hindi ko na maipaliwanag ang sobrang kaba at takot na aking nararamdaman. Tiyak kong may mangyayari pa at iyon ang bagay na lalong nagbibigay sa akin ng pag-aalala. "Dave, pakawalan mo na kami. Parang awa mo na." Hindi ko na napigil ang pagtulo ng aking luha dahil sa sitwasyon namin ngayon ay wala kaming lakas para tumakas. Wala kaming laban sa kanila. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay magdasal na sana makaalis na kaming tatlo sa lugar na ito at magkaroon ng awa sa amin si Dave. "You know what, Mel. Gusto sana kita pero ngayon, hin