DIRETSO ang aking tingin sa labas ng balkonahe na aking kaharap. Patuloy ang mahinang tunog ng orasan na nasa itaas ng pinto. Naririnig ko rin ang mahina kong paghinga habang naghahantay sa kanya. Hinithit ko ang yosi na nasa pagitan ng aking daliri. Hindi ko iyon binitawan hanggang sa maubos. Nang maubos ay nagsindi ulit ako. Ito na ang huling sigarilyo sa isang kahang dala ko kanina. Kagabi ko lang nalaman ang tungkol sa kanyang pagkatao kaya wala nang dahilan para patagalin ko pang mabuhay siya. Sinulyapan ko ang orasan, it's around ten in the evening. Why he took him so long to get here? Did he met someone? f**k! Ready na ang kamay kong itutok sa kanya ang baril na nasa harap ko ngayon. Hindi naman niya alam ang spy camera na nandito sa kanyang lamesita dahil hindi naman ito naalis di