"I'm doing this dahil gusto ko. I don't care kung magalit ka senyorita ang importante ay mabantayan kita." His voice is change, ito na ang totoo niyang boses. Mas lalo akong napatitig sa kanya ng hawakan niya ang kanyang panga. May inalis siyang bagay at sigurado akong prosthetic iyon. Pagkaraan lamang ng ilang sandali ay tumambad na sa akin ang totoo niyang mukha. What the f**k! Si Archer na nga ito. Kabisado ko ang mukha niya ngunit hindi ako makapaniwala na mas lalong naging lalaki tignan ang kanyang itsura. Hindi maitatanggi na nag-improved ang kanyang itsura. Pati ang awra niya ay mas lalong nakakahatak ng atensyon. Nanatiling seryoso ang kanyang mata. Kalmado naman ang kanyang paghinga at mayamaya pa ay dahan dahan niyang itinaas ang kanyang kamay na tila hahawiin ang baril na