"I'm sorry, Senyorita," aniya saka hinawakan ang aking kamay at inalalayan akong tumayo. Pinaupo niya ako sa kama saka inilapag ang kanyang baril sa aking gilid. Kinuha ko agad ang baril at itinutok sa kanya. Nanatili siyang kalmado habang nakatayo sa harap ko. "Go ahead, Senyorita," wika niyang nag-uudyok sa akin. "If this is good for you then do it," dugtong niya ulit. Hindi ko alam kung bakit muli akong nag-alinlangan na patayin siya. Imbis kasi na pigilan niya ako ay panay ang udyok niya sa akin. Is this his tactic para maawa ako sa kanya? Bullshit! Nakakainis dahil umeepekto ito sa akin. "Baliw ka! Siraulo!" singhal ko habang nakatingin sa kanya. "Fight me seriously, hindi ganito, para lang tayong naglalaro," at muli kong pinutok ang baril sa sahig. "No, I won't," sagot niya. "Pu