Hindi niya ako sinagot sa halip ay kinuha niya ang dalawa kong kamay at ipinatong iyon sa magkabila niyang balikat. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ng daliri niya ang labi ko. Wala akong nagawa kundi ang tignan siya. Hindi na rin ako nakapagsalita dahil napako na ang mata ko sa kanya. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha sa akin hanggang sa tungki na lang ng aming ilong ang pumagitan. Hindi kami nagsalita, tanging paghinga lang namin ang naririnig, panay din ang tingin niya sa mata ko at sa labi ko. Ilang sandali pa ay di ko naiwasan ang ngumiti. Nahuhulaan ko na kung anong susunod na mangyayari kaya ang kamay kong nasa balikat niya ay niyapos kosa leeg niya. Pumikit ako nang maramdaman ko ang kanyang labi. Dahan-dahan niyang inawang ang labi dahilan para tumugon na ako sa kanya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


