MAINGAT kong isinuksuk ang aking daliri sa bilog kung nasaan ang gatilyo. Malalim at dahan-dahan ang aking paghinga habang nakikita sinisentro ang target sa bilog na parte nitong sniper. "Ilang minuto pa?" he asked. "Give me two minutes," sagot ko at tinignan si Archer na nakaupo malapit sa bartender. Palingon-lingon siya sa paligid upang bantayan ang kilos ng mga tauhan ng taong aming target. "Copy," sagot niya habang hawak-hawak ang device na nasa likod ng kanyang tenga. Nasa itaas na bahagi ako nitong stage at mula sa pwesto ko ay tanaw ko ang mga bisitang tahimik na nakikinig sa orchestra. Habang lumilapas ang segundo ay maingat kong idinikit ang daliri sa gatilyo. Nakapokus na ang dulo nitong sniper sa ulo ng target. Ngayon ang huling gabi na gagawin ko ito. Hindi na sana ako tata

