Napatitig ako sa kanya at kasunod nito ang bigla niyang pagyakap sa akin ng mahigpit. "Mel, listen to me. I will protect you no matter what kahit buhay ko pa ang kapalit." Wala akong nagawa kundi ang kumurap at wala sa sariling bumawi ako ng yakap sa kanya. Pinilit kong pigilan ngunit kusa nang kumilos ang katawan ko na yakapin siya. Pagkatapos niya akong yakapin ay hinagkan niya ako sa noo. Hindi pa rin ako nakapagsalita ngunit alam ko sa sarili ko na gusto ko ang ginawa niya. Lagi niya na lang akong pinoprotektahan kahit harap harapan ko siyang pinagtatabuyan ay bina-balewala niya lang. Nakakainis dahil in-denial pa ko kahit alam ko sa sarili kong napapalapit na ako sa kanya. "Aalis tayo rito ng ligtas, okay?" aniya saka ngumiti. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at muling hinag