"Tumakas kana. Ako ang kailangan nila, hindi ikaw." Binitawan niya ang kamay ko at ang magkabilang balikat ko naman ang kanyang hinawakan. Tinignan niya ako ng mata sa mata. Umiling siya at mayamaya ay ngumiti. "Ililigtas kita, kahit anong mangyari." Hindi gaanong madilim ang paligid dahil may liwanag na nanggagaling sa buwan kaya kahit papaano ay nakikita namin ang mukha ng isa't isa. "Iligtas ang sarili mo. Marami na akong pinatay kaya kung papatayin man nila ako. Mamamatay akong lumalaban." Bang! Bigla niya akong niyakap at nagsalita malapit sa tenga ko. "Kahit ano pang sabihin mo ililigtas kita." Tila may karayom na tumusok sa aking dibdib at kasunod nito ang pagpatak ng isa kong luha. Kaagad akong tumingala upang pigilan ang susunod na luhang pagpatak. Kailangan kong maging mat