PANAY ang lakad ko sa sala kung saan ako nakatayo, hindi ako mapakali habang naririnig si Archer na nasa kwarto kung saan siya ginagamot. "Ah! Aray!" wika ni Archer. Hinilot ko ang tuktok ng aking ilong pagkatapos ay ang aking sentido. "Tsk, may balat siguro siya puwet. Pati bala sinundan siya," bulong kong sambit at nilingon ang matandang babaeng papalapit sa akin. "Ma'am, magkape ka muna," wika ng matandang babae na papalapit sa akin at may dalang mug na may kape. "Salamat," sagot ko at kinuha ang mug na iniabot niya. Hindi ko napigilan ang panginginig ng aking mga kamay kaya naman ibinaba ko muna ang mug sa lamesitang malapit sa akin. "Ma'am, kumain kana muna," wika ulit ng matandang babae. Umiling ako at sumagot. "Busog pa ho ako--" Hindi pa ko natatapos magsalita ay kumalam na