S's M-110

1306 Words

PAGKATAPOS kumain at magpahinga ng isang oras ay nagpasya na kami ni Archer na umalis ngunit tumutol naman ang matandang mag-asawa. "Ma'am, magpahinga na muna ho kayo. Madilim pa po at wala pang mga sasakyan na dumadaan sa labas. Mahihirapan po kayong sumakay sa ganitong dis-oras nang gabi," ika ng matandang babae na abalang kinukuha ang mga pinggan na nasa lamesita. Napasulyap ako kay Archer na nakaupo sa papag. Bahagya siyang tumango senyales na sang-ayon din siya sa sinabi nito. "Ah, ganon po ba," alanganin kong sagot. Umupo ako sa papag at pinagmasdan ang matandang babae sa pag-aayos ng mga pinggan. "Nakakahiya na po kasi kung magtatagal pa kami rito," pagdadahilan ko. Kailangan na naming makaalis dahil may posibilidad na baka dumayo rito ang mga kalaban, ani ko naman sa isip. Baha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD