Hindi ko napigilan ang mainis dahil sa pagtitig niyang tila nang-aakit si Archer. "Aalis na po kami. Salamat po sa pagpapatuloy," sabat ko at nilapitan si Archer. Hinawakan ko siya sa braso pagkatapos ay tinignan ang babae. Ngumisi ang babae at tinignan ako ng masama. "Sayang, may kasama ka pala," wika nito at nilipat ang tingin kay Archer. "Inuubos nito pasensya ko," bulong ko dahilan para balingan ako ni Archer. Umiling siya, marahil ay nahalata niyang susungitan ko ang babae. "Salamat po," wika ni Archer sa matandang mag-asawa. HABANG naglalakad ay palingon-lingon ako sa paligid na aming dinadaanan. Kailangan naming maging alerto dahil baka may kalabang nagbabantay sa paligid. "Tatawagan ko ang tauhan ko," wika ko at pinuntahan ang tindahan na aming nadaanan. Nakasunod sa akin