"MEL, there." Tinuro ko ang ATM machine na di kalayuan sa aming pwesto. Nilingon niya ako at tinignan ang ATM machine na tinuro ko. Bahagya niyang hinatak ang laylayan ng aking tshirt kaya naman napasunod din ako sa kanya patungo sa ATM machine. "Pahiram," aniya sabay lahad ng kanyang kamay. "Ah, okay." Kinuha ko ang wallet at pagkatapos ay binigay sa kanya ang ATM card ko. "Don't worry, babayaran ko naman," ika niya pagkakuha sa akin ng card at isinuksuk iyon sa Machine. Hindi na ako nakapag salita dahil sinamaan na niya ako ng tingin. Ibang klase talaga ang babaeng ito. "I need ten thousand," ika niyang hindi ako nilingon. "Go ahead, Senyorita." Nag-withdraw siya ng ten thousand at pagkatapos ay binalik na sa'kin ang card. "Nagugutom na ko," sambit niya at kaagad na naglakad pa