NASA bukana ng malaking pinto nakatayo si Mom and Dad. Tahimik silang nakamasid sa akin habang ako ay abalang naglalagay ng aking gwantes. "Mag-ingat ka, anak," bilin sa akin ng aking ina bago ko isuksuk ang helmet sa ulo. Tipid akong ngumiti saka sumagot. "Thanks, Mom. I will." Nilingon ko ang aking ama na tahimik lang na nakamasid. "Dad, I'll go now." "Sige, mag-ingat ka," sagot ni Dad Pagkatapos kong suutin ang helmet ay pinaandar ko na ang aking motor upang umalis. Habang papalabas sa gate ay sinilip ko sila sa side mirror. Nakita ko ang pagkaway ng aking ina habang ang aking ama ay tumalikod na at tuluyan ng pumasok sa loob. Hindi ako pwedeng manatili ng matagal sa aming tahanan dahil may posibilidad na magtungo dito si Mela. Kailangan kong mag-doble ingat. PALINGON-LINGON siya s