IPINARK ko ang motorsiklo sa tapat ng aming malaking bahay. Mula sa pinto ay nandoon na ang matandang katiwala na nakatayo. Tinanggal ko ang aking helmet at gwantes saka lumakad papasok ng pinto. "Magandang umaga po, Sir," bati ng matandang katulong na nasa tabi ng pinto. "Good morning, Yaya. My Mom?" tanong ko. Sinagot ako nito ng bahagyang pagyuko. "Nasa kusina po, nagluluto ng agahan." Tinungo ko ang kusina kung saan naroon ang aking ina. Abala ito sa pagluluto habang ang aking Ama ay nasa dining table, nakaupo at nagbabasa ng dyaryo. Nasa harap nito ang isang mug na may coffee at umuusok pa. Lumapit ako sa aking ina at hinawakan ang kanyang balikat. "Good morning," bati ko na sinagot naman niya ng pag ngiti. "Good morning, ang aga mo yata dumating ngayon?" taong nito na hindi na