Inalis niya ang kanyang kamay na nakalahad saka nilingon ang dalawa at nagsalita. "Tumahimik nga kayo," aniyang may inis at muling bumaling sa akin. "I just want to introduce myself kung okay lang sana?" Inilahad niya muli ang kanyang kamay at ngumiti. Ayaw ko sanang makipagkamay sa kanya pero ayaw ko rin naman siyang mapahiya sa dalawa niyang kasama kaya naman nakipagkamay na lang ako at tipid na ngumiti. "Nice to meet you, Jelina," sagot ko. Sandali ko lang siyang kinamayan at halata sa paghawak niya na ayaw niya pang bumitaw. "I need to go," wika ko ulit. "Ah...I see, sabay na tayo." Kumunot ang aking noo na kaagad ko din binawian ng ngiti. "I have a motorycle." Ngumiti siya. "Ganoon ba. I have a car, isasabay na sana kita," she answered. Hindi pa rin siya umaalis sa aking daraan