A man will follow the woman he admires. But a husband will chase the wife he wants to have. WittyKimmy Ashlin Gail Grant "What?" tumatawa kong tanong kay Lea nang mapansing nakatingin lang 'to sa akin. "Ay naku, ewan ko lang diyan sa move on move on mo ha." sabi nito habang umiiling pa. Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili dahil lalabas kami ni Calvin, inaya niya kasi ako at sa palagay ko wala naman sigurong mali kung sasama ako, "ano bang issue mo do'n?" pagtatanong ko. "Kahit pa magulo ang relasyon niyo mali pa ring sumama ka sa ibang lalaki," sabi nito. "Wala naman kaming gagawing masama, kakain lang naman kami at isa pa kaibigan ko siya," sagot ko habang nagliligpit ng mga gamit. "Oo nga, sige ipagpalagay natin na ganyan nga pero may asawa ka, ang pag-aaway niyo at ang paglala