Love is a game, a holy gamble of feelings. Your ace must be hidden or else you'll lose in the game of chasing. -WittyKimmy Zach Aiden Maxwell "Pare, dami na niyan ah." paninita ni Levi. Blanko akong nakaupo sa sofa sa loob ng VIP room ng bar na pagmamay-ari ni Ethan. "It's been a week." Dagdag pa nito. Tama, isang linggo nang wala si Gail sa piling ko. "Paano mo malalamang mahal mo na ang isang tao?" tanong ko dito. Bahagya pa tong tumawa bago nagsalita, "paano mo ba minahal si Ria?" pabalik na tanong nito. Hindi ako nakasagot kaya nagsalita 'to ulit, "hindi mo masabi? Kasi iba pa rin 'yong nararamdaman mo para kay Ria kesa sa kakambal niya?" napaangat ako ng tingin. "Alam na namin pare ang tungkol sa inyo ni Gail." pahayag nito. Mas pinili kong manahimik saka lumagok ulit ng alak,