Chapter 6 - His Threat

2549 Words
Ashlin Gail Grant Naisipan kong lumabas ng banyo nang makaramdam ng ginaw. Gusto ko na ring magpahinga, naiinis man sa sarili ay pinipilit ko pa ring kumalma at iwinaksi sa isip ang nangyari kanina. Nagsusuklay ako ng buhok nang nakatanggap ako ng tawag. Nakakunot ang noo ko nang makitang number lang ang nagflash sa phone at walang pangalan. "Hello?" I answered the phone. “How are you boo?” biglang tanong na lang sa kabilang linya, doon ko napagtanto na si Calvin pala ang tumatawag. "I'm fine, nothing to worry about," pagsisinungaling ko dito. “Sinaktan ka ba niya?” bakas ang pag-aalala sa boses nito. "H-hindi naman Vin. Napatawag ka?" kasinungalingan ulit at pag-iiba ko sa usapan. “Sure?” paninigurado nito, halatang ayaw pang maniwala. "Oo naman, ano ka ba," kasinungalingan ulit, ayoko lang talagang mag-alala siya. “By the way, can I see you tomorrow?” matagal pa bago ako nakasagot. "Okay, saan ba?" naisip ko kasing matagal na rin kaming hindi nagkikita kaya okay lang naman siguro kong magkita kami minsan. “Basta... Susunduin na lang kita,” sabi nito saka bahagya pang tumawa. "Anong oras ba?" tanong ko. I put the phone on loudspeaker habang nagpapatuyo ng buhok. “6pm sharp, Boo,” sabi nito sa malambing na tono. "Okay, sige bubye muna Boo, marami pa akong gagawin eh," palusot ko pero ang totoo gusto ko na talagang magpahinga. “Boo?” mahinang sambit nito mula sa kabilang linya "Bakit?" ako. “Ano-- wala, bukas na lang. Good night,” sabi nito saka bumuntong hininga. I turned off the phone saka nahiga sa kama, parang nagsisimula ng gumulo ang buhay ko. Nasa ganun akong sitwasyon nang makarinig ako nang may nababasag. Dali-dali akong lumabas at tinakbo ang pinagmulan ng ingay, saglit akong napahinto saka napaatras, kumubli ako sa likod ng devider ng mga alak at sinisilip si Zach. Nagwawala siya at kitang-kita ko ang pagdurugo ng kamay niya. Gusto kong lumapit pero hindi ko alam kung anong pwersa ang nagpipigil sa aking lapitan siya. "Ria! Ria, bakit?!" puno ng hinanakit ang mga daing nito, bigla namang kumirot ang puso ko sa isiping ‘yon. Dobleng kirot ang tumatama sa akin, masakit dahil naaalala ko nanaman ang pagkawala ni Ate at masakit dahil hanggang ngayon ay si Ate pa rin ang hinahanap-hanap niya, hindi ko lang alam kung alin sa dalawa ang mas nakalalamang. Alam kong, lasing na lasing si Zach at hindi siya dapat lapitan, pero alam kong kailangan niya 'ako' o sabihin na lang natin na kailangan niya si 'Ria sa katauhan ko'. "Zach," I said in a calm voice. "Ria?" halos bulong na lang ang pagkakasabi nito pero dinig na dinig ko pa rin. "Alam kong hindi ako si ate Ria, pero handa akong maging siya. Kahit panghabang-buhay pa," I said, whispering,, saka tumabi sa pagkakaupo niya sa sahig. Nakita ko ang mabilis at walang tigil na pagdaloy ng mga luha sa mga mata niya, "Ria, miss na miss na kita," sabi nito saka ako niyakap. Ginantihan ko rin ito ng yakap saka hinaplos ang likod niya upang kumalma, "ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko, wala ng iba," sabi nito, doon na ako naiyak. Ibig sabihin, wala talagang pag-asa na mahalin niya pa ako. Lihim akong naiyak nang sabihin niya ‘yon, naramdaman kong gumalaw siya at hinawakan ang mukha ko, inilapit niya ang mukha niya sa akin saka ako hinalikan na ginantihan ko naman, alam kong hindi ako ang hinahalikan niya kundi si Ria na tanging minamahal niya. Nagising ako na magang-maga ang mga mata, paano ko nga ba ‘to nakuha? Tulala akong nakaharap sa salamin na para bang nakikita ko dito ang nangyari kagabi... He kissed me na ginantihan ko naman, kahit na alam kong hindi ako ang iniisip niya. "Ria," he whispered in between our kisses, doon na ako umiyak, lasing siya at hindi niya alam na ako ang kasama niya. Hanggang ngayon ang Ate parin ang hinahanap niya, 'bakit Zach?, andito naman ako?' mga panibughong nananatili lamang sa isip ko. Ayokong makita niyang umiiyak ako kaya hinatid ko na siya sa kwarto, agad naman 'tong nakatulog dahil na rin siguro sa sobrang kalasingan. Napatigil ako nang magsalita ito. "Gail-- napangiti ako nang marinig ang pagtawag nito sa pangalan ko, pero ang mga sumunod na sinabi nito ang siyang nag-pagguho ng mundo ko, "--you destroyed everything! I want you out of my life," sabi nito, napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin. "Darating din tayo d’yan Zach, pero hindi muna ngayon, nangako ako kay Ate at kailangan kong tuparin ‘yon," I said while preventing my tears from falling. I saw him smirked, so I turned my back before leaving the room. Nang maisara ko na ang pinto ay halos takbuhin ko na ang sariling kwarto, pabagsak akong nahiga sa kama habang sapo-sapo ang bibig, ayokong humagulgol, ayokong makalikha ng ingay. Ayokong maging mahina. Sa totoo lang Zach, unti-unti na akong nauupos. ‘Unti-unti akong gumuguho sa paunti-unti mong pagpatay sa akin.’ Impit akong napaiyak, doon ko na inilabas lahat ng sama ng loob, hanggang sa nakatulog ako. Isang malakas na katok ang nagdala sa akin pabalik sa hinaharap... Pinagbuksan ko ito ng pinto, agad naman akong napayuko nang makita ang mga galit na titig nito, ayokong makita niyang namamaga ang mga mata ko. Nakita kong nakabihis na ‘to, halatang paalis na papunta ng opisina. "Huwag na ‘wag kang lalabas ng bahay, alam mo na kung paano ako magalit, ayokong sinusuway mo ang mga batas ko, Gail," may tono ng pagbabanta sa boses nito. "Lalabas ako hanggat gusto ko at wala kang magagawa dun!" I revolted, kung ganito naman pala na patigasan ang gusto niya, magma matigas na rin ako. Sumunod man ako o hindi pareho pa rin ang kalalabasan ko. All he need is payment! Nakita kong bahagya siyang napaangat ng tingin, halatang nagulat sa inasal ko. "So makikipagkita ka talaga dun sa nakakap*tang*na mong lalaki?!" naninigas ang mga bagang na sabi nito. Ibig sabihin narinig niya ang pag-uusap namin kagabi. Napalunok ako at bahagyang napapikit, kahit papaano ay takot pa rin ako sa kanya matapos ang ginawa niya sa akin kahapon. "Naman," plain kong sagot as I maintain my composure, ayokong ipakita sa kanyang takot ako. "Try to meet that bastard and you will be the one paying the price," titig na titig ako sa mga bughaw nitong mata na ngayo'y nagdidilim na, bumabakas dito ang matinding galit at pagbabanta, I know he always mean what he say. “And one thing, Sierra doen’t know about your dirty tricks. So you better act like my Angel Ria in front of her, not some dirty b*tch,” dugtong nito. Hindi ako nakakilos, hindi rin ako nakasagot, tagos sa puso ang mga binitawan nitong kataga. Doon lang ako nakahinga nang tumalikod na 'to at nakaalis na. Makaraan ang ilang oras mula nang makaalis si Zach ay tumunog ang intercom. I saw Sierra through the screen and her sweet smile flashes in front of me as I opened the door. Maganda si Sierra, magkatulad sila ng mata ni Zah ngunit ‘di sila magkamukha, batid kong nakuha ni Zach ang kagwapohan nito sa Dad niya habang si Sierra naman ay sa Mom nila. “Hello, how have you been, Ria?” bati nito habang hawak-hawak ang isang paper bag na naglalaman ng pagkain. Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Zach kanina at may kung anong kirot nanaman ang gumuhit sa puso ko. "Come in," I draw a warm smile as I invite her in. “Oh! What happened here?” tanong nito habang nakatingin sa bakanteng living room. Napuna ata nito na nawawala ang mesa at ang malaking vase. “Did you two fought last night?” pabirong tanong nito. Well, tama naman ito. “Nalasing kuya mo at nasagi niya ang vase at tumama sa babasaging mesa,” I looked at her expression, I just wished she’s buying it. Nakahinga ako nang tumawa ito, “si Zee talaga. But how come he went drank?” tanong ulit nito. “Bumisita ang barkada niya kagabi, nagkainuman kaya ayon.” “All five of them?” I saw how her face lightened up. Tumango ako. “Oh, I wished I was here. I’m sure ang saya dito kagabi!” kung alam mo lang. Nag-movie marathon lang kami ni Sierra habang kinakain ang pagkaing dala niya and to be honest I enjoyed her company. For a short moment ay nakaramdam ako ng ginhawa. Um-order at nagpa-deliver din ito ng bagong glass table at vase na siya namanag ini-charge niya sa credit card ni Zach na binigay nito sa kanya. Aniya, kasalanan ni Zach kung bakit nabasag ang mga ‘yon kaya nararapat lang na ito ang magbayad. “You know what, huwag mong iaasa sa kanya ang mga ganitong bagay. He knows how to break stuff but doesn’t know how to replace them. Kung siya aantayin mong bumili, naku aabutin tayo ng sampong dekada wala ka pa ring mesa,” natawa ako sa pagtatalak nito. “By the way, where’s Gail?” tanong na lang nito out of nowhere. Di ko lubos akalaing kilala ako nito. “Nasa states,” I lied, tinitigan ako nito na wari’y sinusuri ako. “Are you okay?” tanong niya pa, “you’re sweating,” untag niya, “mahina ba ang aircon?” dagdag niya pa, “ah kaya naman pala,” patuloy niya saka tumayo at kinuha nag remote upang i-adjust ang lamig ng aircon. “Thank you,” ngiting aso kong turan. I just wished nalimutan niya ang topic about sa akin. “So how about, Gail?” napakagat labi ako nang magpatuloy ‘to, “anong pinagkakaabalahan niya sa sa States?” napabuntonghininga ako saka kampanteng tumingin sa kanya. “She’s doing well, busy nga lang sa couture niya,” tumango ito. "I was actually expecting her on your wedding day," aniya. “Ah, I insisted na di na siya pumunta since nariyan ka naman plus hindi na yun magkandaugaga sa mga orders,” gosh, I lied too much. "Ah, I see," maikli nitong tugon, "I want to meet her someday, I want her to make me a dress, I wish she can make me a dress for my wedding day," parang may kung anong mainit na bagay ang lumukob sa puso ko nang marinig ang sinabi nito, it reminds me of Ate Ria, she wants me to make her wedding dress too-- but I made her funeral dress instead. “Ria, I have a question,” seryosong turan nito. “As an elder sister of Gail, what stuff do you think would remind her of you?” natigilan ako sa naging tanong nito at dahan-dahang namuo sa gilid ng aking mga mata ang mga luhang naimbak na. Ano nga ba ang mga bagay na magpapaalala sa akin sa kanya? "As Ria… I think Gail will remember me if someone would hug and rub her back. Kiss her cheeks with a sound followed by a soft brush all through her hair. He will remember me with someone's sincere and consoling smile. Whenever someone would tie her messy hair because she's way too busy preparing some gowns. When someone would make her a glass of coffee. Would nag her for drinking a creamer yet spoiled her with lots of sweet stuff. I think that is how Gail will remember me. Give or remind her of her medicine because she tends to forget." "Ria…" she called out. “You’re crying,” agad kong sapo ang mukha at tama nga siya, umiiyak ako. I was too overwhelmed by Ria's memory. “You must love her so much,” makabuluhan nitong turan. Tanghali na ng umalis si Sierra, nagpaalam itong may bibisitahin pang kaibigan. Naglilinis ako ng silid nang makatanggap ako ng message mula kay Calvin, reminding me of today’s meet up, kahit pa binantaan ako ni Zach kanina ay pumayag pa rin ako kay Calvin. I can’t turn him down. Habang naglilinis ng karto ni Zach ay may nalaglag na isang pouch mula sa devider ng walk in closet nito. I locked the door saka dinala sa kama ang pouch. Puro panyo ang laman, wala lang sa akin ‘yon hanggang sa maagaw ng isang bordadong panyo ang atensyon ko, it has an M.R. initial on it. “Maeve Ria?” mahigpit ko itong hinawakan saka inamoy, I am sure panyo ‘to ni Ate. I was in the middle of agonizing when different accident flashes, mga alaalang pinaghalo-halo na, wari’y pinagsama-sama aksidente na pinagdaanan ko noon. “Ahhh!” I screamed in pain habang sapo-sapo ang ulo, “help, someone help me. Ate!” I called as if may makakarinig sa akin. Para itong mabibiyak sa sobrang sakit, parang pinipiga ang utak ko, dali-dali kong tinakbo ang sariling silid at tarantang hinanap ang lagayan ko ng mga gamot. Nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang baso ng tubig saka ito tinunga. Nabitawan ko ito sa sobrang sakit dahilan upang mabasag ito sa sahig. hindi ko ‘yon alintana. Tumakbo ako papuntang banyo, iniloblob ko sa tub ang ulo saka nagbabad sa shower room, “please go-- please,” “Please stop…” I cried as I bang my head on the wall. Ang bawat minutong paghihintay na mag subside ang sakit ay parang impersno sa akin. This is my fault, I forgot to drink my medicine. “Hang in there, Ashlin. Hang in there,” sabi ko sa sarili. Mga ilang minuto nang unti-unti nang lumamig at mawala ang sakit ng ulo ko. Sa halip na lumabas ay mas pinili kong manatili at magbabad sa malamig na tubig hanggang sa ginawin an ako. Paglabas ko ng shower room ay nilinis ko ang nabasag na baso. Nakita ko ang bordadong panyo na nasa kama kaya itinago ko ito, isiniksik ko sa sikretong compartment ng maleta ko. Bumalik ako sa kwarto si Zach saka iniligpit ang pouch at nagpatuloy sa paglilinis, itinupi ko na rin ang mga damit nitong nasa isang tabi lang. Napatingin ako sa pintong papasok ng play room dahilan upang balutin ng takot ang buo kong katawan. I don’t wanna get punished again. Matapos maglinis ay tahimik akong naupo sa kusina. Muntik na ako kanina, so I set an alarm for my medicine to remind me. I can’t skip those kung gusto kong gumaling, sabi ng Doctor, I’ve been too careless with the accident na na trigger nun ang sakit ko. If napabayaan, it might cause and lead to something worse. Mapakla akong napangiti, dapat nagse-self-pity na ako dahil may sakit ako. Syempre pwede kong hingin na sana ako na lang ang namatay at hindi si Ate. But no, bawal nega. I won’t waste Ate’s life for some petty stuff. I will fight to live, whether as Ashlin Gail or Maeve Ria-- from now on we are one. I will fight that even Zach won’t be able to bring me down. I know for sure na abot langit ang galit niya sa akin, I can't blame him, but he can't blame me for trying to survive as well. I am ready to do everything to make him love me as Ashlin Gail. I will test his limit, and may the tough one wins.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD