Chapter 5 - God of Hell

2954 Words
Ashlin Gail Grant Patakbo kong iniwan si Zach sa sekretong silid na 'yon, napatigil ako sa paglalakad nang makita ang sarili sa malaking salamin na nasa tabi ng kama nito. Inayos ko ang pagkakapusod ng aking buhok at ang nagusot kong damit. Napatigil ako nang makitang lumabas si Zach mula sa walk in closet, tumigil siya sa paglalakad at tumayo sa likuran ko. "Boo, are you perhaps here?" rinig kong pagtawag ni Calvin mula sa labas, sa pamamagitan ng salamin ay nagkakatitigan kami ni Zach, nakita ko kung paano nagtagis ang mga bagang nito saka tinapunan ng masamang tingin ang pinto. "Boo?" kunot-noong turan ni Calvin nang makita niya na galing ako sa kwarto ni Zach, "what are you doing there?" kunot noo nitong tanong. Pasimple kong sinilip kung nasa likuran ko ba si Zach, at di nga ako nagkamali, "n-naglilinis lang ng silid," sagot ko. Nagtataka ako kung bakit napatingin si Calvin sa likuran ko, sinundan ko ang mga tingin nito at pinanlakihan ako ng mata nang makita si Zach na walang damit pang-itaas at may mga namumulang marka ng kuko sa dibdib nito. Mariin akong napapikit, is he trying to impose a wrong impression in front of Calvin? Tinapunan niya ng masamang tingin si Calvin, nakita ko ang bahagyang pagkurba ng labi niya bago isinuot ang puting T-shirt na hawak-hawak. Nilagpasan niya kami at nauna ng bumalik sa grupo nito. Napatingin ako kay Calvin and I know what's running inside his mind right now, kaya sinundan ko siya at naupo sa tabi niya, "it is not what you think, Vin," Napabuntong hininga siya saka napatingin kay Zach na nasa gazebo kasama ang mga kaibigan niya. "Then explain it to me, Gail. Kasi hindi ako naniniwalang maid ka dito and above all, I don't like what I am seeing right now," nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. Napatango na lang ako saka mariing napalunok. Mukhang galit talaga si Calvin "But before that-- alam mo bang wala na si Ate Ria ko?" pagbibigay alam ko. Nakita kong nabigla siya, dahil sa sinabi ko'y biglang lumamlam ang mga mata nito. Inabot nito ang kamay ko. H’s hands are warm and comforting, "I am so sorry for that Gail. How come you haven’t called me?" bakas ang simpatya at pagtatampo sa boses nito. Mapakla akong napangiti saka napatingin sa mukha nito, mababakas dito ang maraming katanungan, “I tried reaching out but I wasn’t able to. I couldn’t find you, marahil siguro’y nasa Pilipinas ka na nang mga panahong ‘yon, but trust me-- I did find you.” “I am so sorry for not being at the darkest hour of your life, Gail. I am so sorry for not being around when you needed me the most,” iniangat nito ang kanang kamay saka buong suyong hibaplos ang mukha ko. Napapikit ako saka ipinilig ang pisnge dito, “it’s fine, walang ni katiting na hinanakit para sa’yo,” I assured him. “Then, can you tell me how you ended up here?” naguguluhan nitong tanong, palihim niya pang tinapunan ng tingin si Zach na nasa ‘di kalayuan. Napabuntong-hininga ako, "bago namatay ang Ate, hiniling n’ya sa akin na magpanggap ako bilang s’ya, may parte ng utak ko na ayaw pero may parte rin na gusto dahil nga alam kong ‘yon ang makakapagpasaya sa kanya,” tumayo ako saka inabot sa kanya ang kanang kamay, tumingala s’ya sa akin saka ngumiti. “Wanna talk outside?” he said, smiling. Tumango ako at tinanggap niya ang kamay ko. Tinungo namin ang pool area at naupo ito sa isa sa mga sun lounger habang naupo naman ako sa gilid ng pool. “Noong una, mas pinili ko ang tanggihan ang naging hiling nito dahil alam kong mahirap, imposible at t’yak na ako lang din ang masasaktan,” patuloy ko. Tumayo ito at naupo rin sa gilid ng pool sa tabi ko. “Umayaw ako, labag ‘yon sa paniniwala ko. Pero Vin, noong makita ko na ang paghihirap ni Ate, ang mga iyak n’ya, ang paghihirap niya, mas ginusto ko na ang pagbigyan s’ya," dugtong ko dito. "That's foolish," nakatulala nitong turan habang nakatingin sa kawalan, hinawakan ko siya sa kamay at napatingin siya sa akin. Di ko mawari ang emosyon sa mukha nito. "I know-- pero kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, siguro maiintindihan mo ako. Lalo pa't nang mamatay siya ay di man lamang ako nakapag paalam ng maayos at masabi man lang na mahal ko rin siya,” kunot ang noo na ibinaling nito ag mga tingin sa akin. “Vin, namatay ang ate ko dahil iniligtas niya ako, she was driving our car from a vacation at na aksidente kami. Hanggang sa kahuli-hulihan ay ako pa rin ang iniisip niya. And doing her last wish is the least that I can do, to requit everything she had given me," lumamlam ulit ang mga mata nito, hinawakan ng isang kamay nito ang mukha ko. "Naiintindihan ko na, tahan na," kung di pa nito pinunasan ang mukha ko ay di ko pa malalamang umiiyak na pala ako. "Pwede ka namang umalis, anytime, 'di ba?" he sweetly smiled while saying those reassuring words as if he was consoling me. Nagpalingo-lingo ako, "kasal na kami, Vin," pag-amin ko dito. Nais ko mang ilihim pero alam kong sa kalaunan ay malalaman n’ya rin, mas maigi nang sa akin manggaling. "W-what?!" bulalas nito, nawala ang mga ngiti sa mukha nito at kasabay noon ay ang pagbagsak ng mga kamay nito. Mapakla siya’ng ngumiti saka galit na naisuklay ang mga daliri sa sariling buhok, "bawiin mo ang sinabi mo, Gail," malamig ang boses niya’ng turan, nagpalingo-lingo ako saka nahihiyang napayoko. Naihilamos nito ang kamay sa sariling mukha. "Wait, don't tell me-- is it him that--" kunot-noo niya’ng turan na para bang may naalala siya. Di pa man nito natatapos ang dapat sana’y sasabihin ay tumango na ako. "Yes, si Zach ang tinutukoy ko dati. Siya ang lalaking minahal ko, pero dahil sa ang ate ko ang mahal niya-- nag-give way ako,” he was stunned. "Kanina, anong nangyari kanina?" bigla nitong tanong. He grabbed my shoulders at pilit akong inihaharap sa kanya. "Wala, walang nangyari, ni minsan ay walang nangyari sa amin," sagot ko, nasapo nito ang mukha saka bagsak ang mga balikat na napayuko, kunot-noo kong inabot ang balikat nito. "Kung kasal kayo at nagpapanggap kang si Ria ngayon, bakit sinabi mong maid ka dito?" tanong niya sa mababang tono habang nakayuko. "Dahil kinamumuhian niya ako, Calvin. Nabuko niya na ang pagpapanggap ko, kaya ngayon nagbabayad na ako," sagot ko. Wala akong nakuhang tugon mula dito. Agad kong sinapo ang mukha niya at iniharap sa akin, "umiiyak ka ba?" nag-aalala kong tanong. Suminghot pa 'to bago makapagsalita, "you're in trouble, I know Zach very well. He's a demon, he will not let you pass, Gail," aniya, pinilit kong ngumiti saka pinunasan ang mukha pisnge nito. "Sus, 'yan lang ang ikinaiiyak mo?" bahagya ko pa 'tong nginusuan, nagpalingo-lingo siya saka kinuha ang mga kamay kong nasa mukha niya at tinitigan ako ng mata sa mata. "I am crying because you were stolen while I was not looking. I've let my guard down, Gail. The fact that you're living with the man you've fallen with-- kills me," hinaplos ng kamay nito ang mukha ko sabay halik sa kanan kong kamay. "Kaya ko ang sarili ko, kaya 'wag ka nang mag-alala," I said in a reassuring tone. Nakita ko ang paglaglag ng mga luha nito. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya’ng umiyak ng sobra-sobra. "I love you, Gail. I love you," hinalikan niya ako sa noo. "A-alam ko naman 'yon eh," magkaibigang matalik kami kaya natural lang na mahalin niya talaga ako. "Higit pa sa isang kaibigan, Gail," dugtong nito. Agad kong inagaw ang kamay kong hawak-hawak niya. Ano ba naman ang pinagsasabi nito. "L-lasing ka rin ata?" bahagya akong lumayo sa kanya. Akala ko'y tatawa siya pero binalewala niya lang ang sinabi ko. "Noon pa 'to e, dapat noon ko pa sinabi," pag-amin pa nito saka nagsisimula na namang maiyak. Di ko kayang makita si Calvin na nagkakaganito, nasasaktan din ako kapag umiiyak siya, kaya lumapit ako at yumakap sa kanya, "Calvin, ‘wag namang ganito," I said, almost whispering. "Kung hindi mo na talaga kaya, sabihin mo lang. Kukunin kita," aniya. "Salamat, pero kaya ko talaga 'to," sagot ko. *** Binitawan ko siya nang marinig ko ang sigawan ng mga kasama niya, binibiro nila kaming dalawa. Di ko na namalayang pumasok a pala sa loob ng bahay at kitang-kita nila kami dito sa pool area mula sa loob. "Iba rin 'tong si Calvin e." pabirong turan ni Levi. "Suko na ako, lamang si Calvin-- bestfriend e." nakataas ang dalawang kamay na turan naman ni Gavin. Nagtatawanan sila ngunit nang tingnan ko si Zach ay di 'to nakikisabay sa biruan, patuloy pa rin 'to sa pag-inom ng alak, nakita kong napatingin sa kanya si Ethan saka ngumisi at tumunga rin ng alak sa baso nito. "Ano, kayo na ba?" tanong ni Gavin. "Syempre, sila na. Kita n’yo naman ang titigan," sabat naman ni Ethan habang nakatingin kay Zach. Napaigtad ako at natahimik ang lahat nang ibinagsak ni Zach ang baso sa mesa. Saglit lamang 'yon dahil nag-ingay sila ulit. Binalewala nila si Zach. "I guess, we should see the lovebirds' kiss," dagdag pa ni Ethan saka naglagay ng alak sa baso. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagpagpag ng damit. "Stop it, Ethan," sita sa kanya ni Tyler. Napatigil sa pagtawa si Gavin at Levi nang marinig ang pagtaas ng boses ni Tyler. Bataid ko ang naging tinginan ng iba, tumahimik sila, waring sinusuri si Ethan, Tyler at Zach. "Isang kiss lang," sigaw ni Ethan matapos ubusin ang alak na nasa baso nito, agad akong napatingin kay Calvin nang tumayo siya at hinawakan niya ako sa kamay saka ngumisi. "Vin?" nagtataka kong tanong, hinila niya ako palapit sa kanya, he wrapped his left hand around my nape as he bend his head down, as if he's going to kiss me. Isang malakas na pagbagsak ng baso sa babasaging mesa ang nagpatigil kay Calvin, kasunod nun ay ang tunog ng pagkabasag ng mesa, natahimik ang lahat. Itinulak ko si Calvin ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Zach... pare," nag-aalangang turan ni Gavin. “Kiss, kiss.” humahagikhik na suhestyon ni Ethan. Dito na siya itinulak ni Gavin. “Whoah, calm down, bro. We’re having fun,” nakataas ang mga kamay na wika ni Ethan habang tumatawa. Naguguluhan naman si Levi at Gavin sa mga nangyayari. "Zach naman, maghahalikan na nga sila o-- panira ka--" nahulog sa kinauupuan si Ethan nang suntukin siya ni Tyler, "I said, enough Ethan!" humahangos na turan ni Tyler. May nabasag ulit, natahimik ang lahat, napatingin kami kay Zach. Nakita kong napangisi si Ethan habang nakatingin sa kanya saka nagpunas ng dugo sa labi. "Go home," malamig na turan ni Zach, habang hawak-hawak ang bote ng basag na alak. "Zach, you okay bro? What’s going on?" naguguluhang tanong ni Levi. "I said, go home," pag-uulit niya, agad na inagaw ni Tyler ang basag na bote sa kanya. “But we’re having fun, Bro?” untag ni Levi. Agad na hinila ni Gavin si Levi saka inakbayan at may ibinulong dito. Napatingin sa akin si Levi saka kay Calvin bago kay Zach. "Calvin, tara na," tawag ni Tyler, tumahimik na si Levi saka nagsimulang humakbang palabas. "No! I am not going without Gail," nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. Napaigtad ako gayon din sila nang sipain ni Zach ang upuan at tumama iyon sa malaking vase na ikinatumba at ikinabasag nito. "Zach," dali-daling binitawan ni Gavin si Levi at hinila si Zach pero itinulak niya ito. Sa bilis ng pangyayari ay nakita na lang namin si Calvin na nakasalampak sa sahig at dumudugo ang labi, agad ko siyang tinakbo at tinulungang makatayo pero hinila ako ni Zach palayo at itinulak sa sofa, sinipa niya sa sikmura si Calvin dahilan upang mamilipit ito sa sakit. Masama ang mga tingin na ibinabato sa akin ni Zach, “look what I am about to do with this man, Gail,” isang napakalakas na sipa ulit ang iginawad niya kay calvin na sinundan ng isang malaks na suntok sa likuran nito. “Stop it, Zach! Stop it!” sigaw ko, lumapit siya at hinila ako patayo. Hawak-hawak ang sikmura ay tumayo rin si Calvin at hinawakan si Zach sa kwelyo. "Bitawan mo siya, alam ko na ang totoong sitwasyon n’yo, Zach!" bulyaw ni Calvin kay Zach sabay hila sa akin, hinila rin ako ni Zach papunta sa kanya. "Alam mo naman pala, ibig sabihin alam mo na rin kung saan ka lulugar, ‘di ba?" sarcasm was written all over Zach's face. Ngumisi pa ng bahagya si Calvin bago nagsalita. "Alam na alam kaya nga humanda ka na," puno ng pambabanta ang mga mata ni Calvin. Binitawan ako ni Zach saka siya kinwelyuhan. "She's my wife!" pag-aasik ni Zach, “and you f*cking stay away from her,” parang bombang sumabog sa lahat ng naroon ang sinabi ni Zach. Levi: "W-what?" Gavin: "W-wife?" Ethan: "..." Tyler: "..." "Hmm-- talaga? But I badly want her, should I steal your wife? I'm good at it Zach, wanna see it?" pang-iinis ni Calvin na ikinagalit pa lalo ng isa. Napasigaw ako nang makitang nakahiga si Calvin sa sahig at dumudugo na ang bibig habang nakapaibabaw sa kanya si Zach. Nagpambuno sila hanggang sa matumba doon sa mga babasaging bagay na nasa maliit na mesa ng sala. Nakita kong tumulong na ang mga kaibigan ni Zach at dali-dali silang inawat, dinala ng mga kaibigan niya si Calvin palabas ng bahay saka nagpaalam na uuwi. “Gail, ayusin niyo ‘to. Mag-usap kayo,” mahinang turan ni Tyler sa akin as he gently tap my shoulder. Agad niya namang binawi ang kamay ng magtama ang tingin nila ni Zach. "Di pa tayo tapos, g*go ka!" pambabanta ni Calvin kay Zach bago sila makaalis. Nang makaalis sila ay naninigas ang mga bagang na hinarap ako ni Zach, hinablot niya ako saka isinandal sa pinto, "Tss, seeing his reaction pakiramdam ko patay na patay sa‘yo. Now I wonder, what makes him crave for you. Tell me Gail, how often did that man do you?" masakit ang mga salitang binibitawan nito and all I could do is to shake my head in disapproval. Walang lumalabas na salita kahit pa gustuhin ko. "Common Gail, I know Calvin very well. He will never be like that into something he hasn't tasted. Who's next after him, Ethan-- Gavin--" sa inis ko ay nasampal ko s’ya ng malakas. Akala ko'y matitinag s’ya kapag ginawa ko 'yon, nagkamali ako, mas lalo itong nagpaigting sa galit niya. Kinaladkad niya ako papuntang sofa at marahas na itinulak, pumaibabaw siya sa akin at marahas na pinunit ang suot kong pants. He kissed me on my lips but not of love, instead an unexplainable pain and hatred ang kalakip nito. He grabbed my head to have a tight hold on me as he deepened the kisses. I screamed and pushed him away as he bit my lips, making me feel the metallic taste of my blood. Nagsisimula na akong mag-panic. "Zach!" sigaw ko saka buong lakas siyang itinulak pero hindi pa rin pala sapat. Kitang-kita ko na ang hita ko sanhi ng pagkapunit nito, agad kong inalis ang kamay niyang humahaplos sa binti ko. "F*ck!" he cursed then he bit his lip, titig na titig ako sa mga mata nitong para bang may malalim na ipinapahiwatig. Naramdaman ko ang pagpasok ng mga kamay niya sa underwear ko, "N-no!" I could hear the sound of despair in my own voice, pleading for him to stop. "Come on Gail, I know you'll like this. Eto naman talaga ang habol mo ‘di ba?" he smirked, I never expected that he could do this. Nasaan na ang dating Zach? "N-no, p-please," I sob. "I'll take that 'please' as a plea to uncease," he said, then he smirked again. Now I wonder how could a God of love be a god of hades at the same time-- in this instant. "N-no stop this Zach, stop!" I pleaded, panggagahasa na 'to. I tilted, and a soft moan escaped from my slightly opened mouth when I felt his hand touching the most sensitive part of mine and feel him playing on top of it. "You've gone wet," bulong niya habang kumukurba ang gilid ng labi, hinihingal akong napayuko at napasandal sa balikat niya. "I've got you here, Honey. I guess I'm done, go and get dressed," he said in his husky voice as he stopped, alam kong may mali sa nararamdaman ko nang tumigil siya, hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag, inis kong nakagat ang pang-ibabang labi. I was wondering what's the meaning of that until he continued. "That's the punishment for being naughty. Put this in mind, the next time I see you flirting with another guy, I swear, you will receive a punishment more than this, Honey," he said as he stood before me and turned his back. "I always mean what I say, so beware," pambabanta nito bago tuluyang umakyat sa sariling kwarto. Patakbo kong pinasok ang sariling silid saka nag-lock, pabagsak akong naupo sa kama at napasabunot sa sariling buhok. 'Ang landi-landi mo Gail, ba't ka nadadala sa ginagawa niya!' sumbat ko sa sarili. Sinadya niya 'yon para bitinin ako, 'ahrg!' I screamed out of frustration, isa akong malaking tanga at alam ko 'yon. Pumasok ako sa shower room, saka ibinabad ang sarili, kung pwede nga lang na hindi na ako lumabas dito ay gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD