"Love has its own value but it doesn't come with a price. Because if it is for sale-- it is not, love." WittyKimmy Henrick Gatchalian Matapos kong iparada ang sasakyan sa tapat ng apartment building na pagmamay-ari ni lola ay tinahak ko na ang daan patungo dito. Wala si lola sa opisina nito nang dumating ako at naiwang nakabukas ang pinto. Papaalis na sana ako upang hanapin ito nang makasalubong ko na ito pabalik. "Apo," sambit nito habang hawak-hawak ang susi. "Saan po kayo galing, La?" tanong ko dito. "Halika, dali." Nagmamadali nitong turan sabay hila sa akin papasok ng elevator. "La, ano nanaman 'to?" untag ko. "Sa palagay ko'y may nangyaring hindi maganda da unit number 10," seryoso nitong turan. Mahina na kung maglakad si Lola kaya may kabagalan talaga ang usad ng lakad nam