Calvin Ainsworth I am at Gail's apartment door matapos na hindi ito sumagot sa mga tawag ko. Sakto namang lumabas ang isang babae mula sa katabing apartment. "May hinahanap ka ba o ikaw ang bagong may-ari?" nagtaka ako sa sinabi nito. Bagong may-ari? Anong ibig nitong sabihin? "I'm waiting for Gail po," sagot ko. "Ah tama, ikaw pala 'yong kaibigan niya, 'yong laging bumibisita." Napangiti ito nang maalala ako. Ngunit bigla namang nawala ang mga ngiti nito. "Wala ba siya riyan? Pansin ko rin kasing mag-iisang linggo ko na 'tong hindi nakikita," sabi nito na ikinagulat ko. Biglang bumalot sa akin ang kaba, to think na hindi ito samasagot sa mga tawag ko. I grabbed the handle saka ito makailang ulit na sinubukang buksan. I even tried banging and kicking the door. Napalingon ako sa baba