Ashlin Gail Grant Nagising akong tulog na tulog pa rin si Zach sa sala. Dahil sa hindi ko naman ito kayang buhatin ay hinayaan ko na lamang itong makatulog sa couch. Kung siguro ay narito rin sila Manang Lucia ay may makakatulong sa akin upang buhatin kaso pinabalik na ito ni Zach sa bahay niya. Nakapagbihis na ako at handa ng umalis habang ito naman ay himbing na himbing pa. Napatingin ako sa oras, kung hindi ko ito gigisingin ay paniguradong mahuhuli ito. "Zach," sambit ko saka ko ito mahinang niyuyog. "Zach, malelate ka na," bulong ko. Mga ilang minuto ay nagising ito. Tila wala pa ito sa sarili dahil nakatitig lang ito sa sahig. Nagtaas ito ng tingin na animo'y natauhan saka nilibot ng tingin ang paligid. "Oh, I thought it was a dream," bulong nito saka napahilot sa sintido. "Male