Maeve Ria Grant Kahapon pa kami nag-usap ni Sierra ngunit parang lutang pa rin ako sa mga sinabi nito. Ayaw ko itong paniwalaan ngunit parang ang lahat ng sinabi nito ay may basehan. Natutuwa man ako sa sinabi nitong ako talaga si Ria ngunit ang tungkol sa pagtatangka ni Gail sa akin, ng sarili kong kapatid ang ikinalulungkot ko. Nasa bukana pa lamang ako ng kompanya nang makita kong papasok si Gail. Gusto kong lumapit dito ngunit nagdadalawang isip ako. Pinanood ko na lamang ito habang naglalakad papasok. "Good morning, Mrs Maxwell." Napalingon ako sa mga empleyadong bumati sa akin. 'Mrs Maxwell'? Marahil ay napagkamalan nilang ako si Gail. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang saya nang marinig ko kung paano nila ako tawagin sa ganoong pangalan. So this is how it feels to be the wife of