What is more to keep than a memory I've kept? What is more to trade than a love once felt, when I shed all of the tears with my entire heart into it when you left? WittyKimmy Alexandra Coa "So, where did you get this?" taas kilay kong tanong sa pinsan kong pulis. "Syempre, kay Inspector Gatchalian," sagot nito habang inaayos ang pagkakapusod ng mahaba nitong buhok. "Wow! So ipinagkatiwala sa 'yo?" napangisi ako saka ko isa-isang binuklat ang laman ng makapal na envelope. "Hindi, may access naman ako sa opisina nito, alam mo namang nasa iisang team kami," sagot nito saka nagsalin ng alak at naupo sa harap ko. "Eto talaga ang advantage ng may pinsang pulis," sabi ko, "buti na lang talaga at may pambawi ka sa pagkabw*set ko," dugtong ko. Napatingin ito sa akin. "Bakit nanaman? Ano nan