Maeve Ria Grant Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho si Zach. Hindi ko maipagkakailang nakaramdam ako ng saya nang pinili nitong sumama sa akin at hindi kay Gail. "What would you like to eat?" tanong nito. Napatingin pa ako dito nang magtanong ito. Aayain ba niya akong kumain. "Kahit saan lang," sagot ko. Napangiti ako. "I mean, food that you wanna eat so I can tell Drake what to cook. Bigla namang nawala ang ngiti ko saka ko ibinalik sa daan ang atensyon. "Kahit ano," tipid kong sagot. Tumango naman ito bagay na ikiinis ko. Nang dumating kami sa bahay ay handa na ang pagkain, marahil ay natawagan na ito ni Zach upang ipaghanda kami ng makakain. Inaya ako ni Drake kaya naman inaya ko rin si Zach. Natigilan ako sa pagsubo nang mapansin kong tila ba nagmamadali iton