Maeve Ria Grant Matapos akong ipatawag ni Sierra ay dumiretso na agad ako sa bahay nito. Naabutan ko itong prenteng nakaupo sa sofa. "Sierra," mahina kong sambit. Sa halip na sagutin ako ay marahan nitong tinapik ang couch sa tabi niya, senyales na pinapaupo niya ako na sinunod ko naman. "So Gail came up on the scene?" tanong nito saka tumunga ng wine bago inilapag sa mesang nasa harap niya. Tumango ako. "That sucks!" she uttered. "I need to move out of your brother's house," sabi ko dito, "if you can help me find a temporary place to move in--" hindi ko na natapos dahil pinigilan niya ako. "No!" nabigla ako sa naging reaksyon nito habang itinaas ang kamay na animo'y pinapatahimik ako. "You are not moving anywhere," saad nito saka ako tinitigan sa mata. Napatingin ako sa mapilantik ni