Love is boundless, recognizes no barriers; it penetrates stone walls, leaps hurdles. It destroys fences and breaks down defenses. It is strong, wickedly sweet and unbounded. -WittyKimmy Ashlin Gail Grant Nagising ako na wala na si Zach, tumayo na ako at dinampot ang mga nakakalat na damit, saka ko lang napansin na alas-nuwebe na pala ng umaga. Tinungo ko ang closet saka kumuha ng mga damit na maisusuot at dinala 'yon sa loob ng shower room, naisip ko kasi na baka kapag sa kwarto pa ako nagbihis ay madatnan pa ako ni Zach. Matapos makapagbihis ay sakto namang may kumatok. "Good morning Mrs. Maxwell, pinapabigay po ni Mr. Maxwell sa inyo." sabi nito habang iniaabot sa akin ang isang tray na may lamang pagkain. Ngiting-ngiti 'to sa akin kahit na di pa rin ako sumasagot. "Ma'am?" tanong n