Zach Aiden Maxwell "Kuya," sambit ko nang pumasok ito. Napatingin ito sa natutulog na si Gail sa kama saka nito mahinang tinapik ang balikat ko. "I'm glad you found her," sabi nito. Napatingin ako dito, hindi pa rin ako mapakali hanggat sa hindi nagigising. "How is Sierra?" tanong ko dito. Nagpakawala ito ng malalim na paghinga. "She's stable but still unconscious." Sagot nito saka naupo sa mesang nasa gilid. "Any lead?" tanong ko dito. Napatingin ito sa akin na tila ba nag-aalangan itong sabihin. "Something is weird," aniya, napakunot noo ako sa kung ano ang ibig nitong sabihin. "How so?" tanong ko. "We reviewed the camera and Ria was the one who beat her up," natigilan ako sa sinabi nito. "What? Are you sure?" tanong ko. Pabagsak akong napaupo, noong una'y hindi ako makapaniwala