Third Person's POV Naalimpungatan si Zach nang marinig niyang nagkakagulo sa labas. Napakuskos siya sa kanyang mata saka naging malinaw sa kanya ang wala pa ring malay na si Calvin. Mas naging malinaw na rin ang tunog ng life support nito. Mga ilang segundo lang ang lumipas saka niya naalalang hindi pa nahahanap ang kanyang anak at asawa. Narinig niya ang mahinang pagbukas ng pinto ngunit wala siyang ganang lingunin kung sino man ito. "Mr Maxwell..." sambit ng isang babae. Walang kabuhay-buhay siyang lumingon at nakita niya ang isang nurse na nakatayo sa bukana habang hawak-hawak ang isang sanggol. Parang dumaloy muli ang lahat ng dugo niya sa katawan at halos talunin niya ang agwat sa pagitan nilang mag ama. Agad niyang kinuha ang sanggol at niyakap. Hindi niya pa man nakikita ang muk