Third Person's POV Nang pumasok si Zach sa silid ay nakita niya ang tulog na tulog si Gail. Hindi nakawala sa mga mata niya ang pagod sa mukha ng asawa kaya naman nakaramdam siya ng awa para rito. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito, buong pag-iingat na hindi ito magising. "You're such a strong woman and here I am, crying my ass out," sabi niya dito saka hinalikan ang noo ng kabiyak. Hindi niya magawang itigil ang pagluha dahil na rin sa pinaghalong saya at awa para sa asawa. "Did you see our son?" tanong niya sa tulog na asawa. "He's healthy and he has a smile just like yours," sabi niya dito. Kumuha siya ng upuan at saka naupo sa tabi ng higaan nito. Maya-maya lang ay pumasok si Calvin. "Pare, kailangan ka sa registry department, kailangan mo raw pumirma para sa birth certificat