Hindi na mahintay pa ni Green si Hunter na makauwi sa Mansyon. Excited na itong maiuwi ang asawa pero magtiis daw muna siya sabi ni Dok Nick. Binalitaan na din niya ang kanyang mga biyenan na bumalik n ng abroad kung saan naroon din si Baby Hanz. "Nakakapanibago, wala ng Hanz na umiiyak at tumatawa. Saka, mabuti na lamang at nahuli na ang malantod na si Joyce." Sabi ni Adelfa, umuwi kasi si Green nang araw na iyon upang magpahinga naman saglit. Ngumiti si Green, naghihiwa ito ng mansanas. "Alam mo, hindi lang ikaw ang nanibago sa katahimikan ng Mansyon. Lahat tayo, lalo na ang mga kakulitan ni Hunter dito. Hayaan mo, one day kumpleto na kami ulit. Saka, kailan ba nagwagi ang kasamaan sa kabutihan?" Masayang sagot ni Green. Kumagat naman si Adelfa sa hawak nitong mansanas, ayaw niya ng