Agad namang rumesponde ang mga pulis kasama si Chief sa Mansyon ng mga Whitlock. Naalarma kasi talaga si Green sa ipinadalang mystery box under her name, mahirap na. Mas na ang sigurado para walang sino mang masasaktan sa kanila if ever na mangyari ang hinuha ni Green. "Ohhh..God!" sabay-sabay na bulalas ng mga naroon nang mabuksan ang mystery box. Si Green naman ay napaduwal habang napa-krus naman sina Aling Gina at Aling Thelma. Napangiwi naman si Adelfa at tumalikod ito. Isang rabbit na patay ang laman ng mystery box, walang ulo. "Wala bang nakakaalam kung anong hitsura ng delivery boy?" tanong ni Chief. Tinakpan na nila ang box, dinala ng isang pulis sa kanilang mobile car. Idadagdag nila iyon bilang isang ebidensya laban kay Joyce. "Naka- helmet po kasi saka may facemasks nang ia