Naningkit ang mga mata ni Green nang makita niya si Joyce sa Mansyon pagkababa niya. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ka yata welcome, naliligaw ka ba?" kutya agad niya biglang kulo kasi ang kanyang dugo sa pagmumukha ng ex-girlfriend ni Hunter. Ngumiti naman si Joyce. "Remember, I once owned this Mansion a gift from Hunter." Sagot nito. Tumaas ang isang kilay ni Green napapalatak siya. "Correction, ireregalo pa lang niya sana sa'yo kung natapos ang kasal pero hindi ka sumipot. Kaya, basically ako ang tunay na nagmamay- ari nito ngayon dito ako nakatira habang ikaw isa na lamang bwisita! Oh my mistake, bisita pala!" aniya. Kita niya ang pagkasira ng mood sa mukha ni Joyce umirap na lamang ito. "Atleast, ako pa rin ang mahal!" Bulong ni Joyce na umabot pa rin sa pandinig ni Green. Pag