Tila bumalik ang harang sa pagitan nina Green at Hunter sa umagang iyon. Ni hindi nga namalayan ni Green kung anong oras dumating si Hunter kagabi nakatulugan na niya ang pag-iyak. Himala nga na doon ulit kumain ng agahan si Hunter kung kailan tinamad si Green na ipagluto ito. Para ngang hindi niya nakikita si Hunter na nakaupo sa dining room at mataman siyang tinitigan bawat kilos niya. "Masama yata ang gising mo hija?" tanong ni Aling Thelma nang mapansin nitong matamlay si Green. "Wala ho ito Aling Thelma, sanay naman na po akong ganito paminsan-minsan." Bantulot na sagot ni Green. "Naku, Inay iyong napanood kasi ni Senyorita kagabi nakakainis na nakakagigil. Mantakin mo, iyong asawa no'ng babaeng bida may kabit naku! Para ngang tunay nangyari sa buhay ng isang tao iyon eh! Ewan ko b