Hindi mabilang ni Green kung ilang araw at gabi nang nagsisinungaling si Hunter sa kanya. Na siya naman ay nagmamanman lang at bawat kasinungalingan ni Hunter kanyang tinatandaan. Ang mga location ni Hunter ay kanyang in- screen shot diretso save sa kanyang media photos. At ilang gabi na rin siyang lihim na umiiyak at sa araw na iyon ay may sapat na siyang lakas upang komprontahin ang kanyang asawa. "Green?!" gulat na bulalas ni Hunter nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang asawa doon. "Ito ba? Ito ba ang palagi mong sinasabing over time, meeting outside the company?" punong-puno nang hinanakit ang boses ni Green. Binitawan ni Hunter ang hawak nitong mangkok kasama na ang kutsara. Kasalukuyan niyang pinapakain si Joyce habang ang huli ay kay ganda ng ngiti. "Green, let me explai